Filipino Wording Samples
MAIN CARD
1
Sa biyaya ng Poong Maykapal,
at sa basbas ng aming mga magulang na sina
(names of parents)
Kami,
(Names of couple)
ay malugod kayong inaanyayahan upang saksihan ang aming pag-iisang dibdib
Sabado, ika-11 ng Marso, 202X
Singsing at Sumpaan
(church name) | ika-1:30 ng hapon
Pika-pika, Hapunan at Halakhakan
(reception name) | ika-4:30 ng hapon C
2
Pag-iisang Dibdib
Kasama ang aming mga magulang na sina,
Señor NAME at Señora NAME
Señor NAME at Señora NAME
Kaming mag kasintahan,
Ginoong NAME
Binibining NAME
Ay nakatakdang mag isang dibdib sa
12 - 10 - 25
Ika-sampu ng Disyembre taong dalawang libo’t dalawampu’t lima
3:00 hapon
Alas tres ng hapon sa Sanctuario de San Jose, Las Casas Filipinas de Acuzar
Susundan ng Masayang salu-salo sa Bulwagan ng
Hotel De Oriente
Las Casas Filipinas de Acuzar
3
Kapiling ng mga mahal nilang magulang na sina
(NAMES OF PARENTS)
Inaanyayahan kayo nina
NAMES OF COUPLE
Na makisalo, makisaya at makabahagi sa araw na kanilang kasal
Ika-labing dalawa ng Disyembre 2024
Araw ng Huwebes
Ganap na Alas tres ng hapon - 3:00pm
Mother of Perpetual Help Parish (Dambana)
Mabini Homesite, Cabanatuan City, Nueva Ecija
Ang salusalo at kasiyahan ay gaganapin sa
Crystal Waves Event Center
Maharlika Highway, Brgy. Dinarayat,
Talavera, Nueva Ecija
4
Sa biyaya at habag ng ating Poong Maykapal
kami,
(NAMES OF COUPLE)
kabilang ng aming pamilya
at magulang na sina
(NAMES OF PARENTS)
ay malugod kayong inaanyayahan
upang saksihan ang aming pagtanggap ng
Sakramento ng Matrimonyo
Sabado, ika-28 ng Enero, 2023
sa ganap na ika-1:30 ng hapon
St. Ignatius de Loyola Cathedral
Camp General Emilio Aguinaldo
Quezon City
Susundan Ito ng munting piging
Sa ganap na ika-06:00 ng gabi
Bulwagang Tejeros
AFP Commissioned Officers Clubhouse
Camp General Emilio Aguinaldo
Quezon City
----
ATTIRE
1
Gayak Tema: Pormal na Filipiniana
Ginoo: Barong Tagalog
Ginang/Binibini: Mahabang Bistidang Filipiniana
2
----
RSVP / TUGON / TUMUGON SA PAANYAYA
1
Ikaw ay espesyal kaya aming iniimbitahan.
Kami ay maglalaan ng __ upuan para sa iyo.
Ipaalam ang iyong tugon bago ang ika-10 ng Pebrero, 2023.
Mangyaring magpadala ng kumpirmasyon kay: (name and contact number)
2
Naglaan kami ng ___ salung pwet para sa iyo.
Mangyaring tumugon bago ang
11-10-25
Ika-sampu ng nobyembre taong dalawang libo’t dalawampu’t tatlo
(contact name, number)
Paalala
Mayroon po kaming inilaan na __ upuan para sa inyo.
R.S.V.P
Kung maaari ay magbigay ng kumpirmasyon sa December 1, 2024 para sa pagdalo sa aming kasal sa alinman sa mga sumusunod:
(NAME & CONTACT DETAILS)
4
Ika'y espesyal kaya amin inimbitahan,
Ang iyong tugon ay inaasahan.
Kami ay naglaan ng ___ upuan
Para sa'yo / sainyo.
Magkumpirma bago ang
ika-14 ng Enero 2023.
Mangyaring magpadala ng kumpirmasyon kay
(NAME AND CONTACT NUMBER)
----
GIFTS / MGA REGALO / HANDOG
1
Dahil kami ay nabiyayaan,
Ang regalo ay hindi kinakailangan.
Ang mahalaga sa amin ay ang iyong pagdalo,
Dito sa ating munting salu-salo.
Ngunit kung ang nais ay magbigay ng regalo,
Ang nais naming matanggap ay salapi o aguinaldo.
Ito ay malaking tulong sa aming paglalakbay sa panibagong landas ng aming buhay.
2
Ang inyong presensya ay ang pinakadakilang handog na aming ninanais, ngunit ang pagbibigay ng salapi ay lubos na pahahalagahan upang bilang bagong mag-asawa panatag na makapagsimula.
3
Tunay na kami ay pinagpala sa lahat ng biyaya na aming natatanggap. Ang panalangin at presensya lamang po ninyo ang aming hihingin. Ngunit kung nais pa rin ninyong magbahagi sa amin, mas makakatulong po sa amin ang regalong pinansyal.
4
Dahil kami ay nabiyayaan,
Ang regalo ay hindi kinakailangan;
Ang mahalaga sa amin ay ang inyong pagdalo,
Dito sa ating munting salu-salo;
Ngunit kung regalo para sa amin ay hinahanap,
Salapi sana ang aming nais matanggap.
Ito ay makakatulong sa bagong yugto ng aming buhay,
Sa araw-araw na pangangailangan man,
o sa aming patuloy na paglalakbay.